Sagot ko kay Estanislao Albano patungkol sa RH Bill


source: click here

sabi niya: Pinagmalaki mo pa sa mga kasamahan mo sa Facebook page nyo na natapos ka nang nagcomment sa article na ito. Wala manang saysay ang pinagsasabi mo. Kung ang mga Pilipino pagpipiliin kung saan manirahan – sa Pilipinas o sa Italya – may matitira pa kayang tao dito sa Pilipinas?

Si Joseph Perez ang sabihan mong pumarito sa Standard at may laman pa nang kaunti ang mga comments nya. Di na siya bumalik dito sa Standard mula noong di niya masagot ang tanongko kung may turo ba si Kristo at mga apostoles nya kung dapat makialam ang mga Kristiyano sa government affairs.

sagot ko: unang una wala akong ipinagmamalaki dito, ikaw ang nagmamalaki na akala mo magaling ka. self-righteous ka kaya di mo alam ang mga sinasabi mo.

pangalawa. Ang scenario mo patungkol sa Pilipinas o Italya ay sadyang ugali ng taong walang silbi sa lipunan. Alam mo ba kung bakit? hindi mo iniisip ang magandang solusyon at mahilig ka sa shortcut. Ilang beses na akong nakapunta sa Europa at alam kong talagang mas mataas ang bahagdan sa mga matatanda kaysa sa mga kabataan. Marami sa mga ito ay nabubuhay na lamang sa sustento ng gobyerno [or benifits]. Kung magiging ganito ang ating bayan. Para mo na ring sinasabi na mas mabuti pang tumanda ang mga Pilipino dahil ang resulta din naman nito ay ang pagiging mayaman. bakit ang singapore ngayon ay nag-uudyok na sa mga kababayan nila na magparami ng mga anak? dahil ba alam nila na ang isang asset ng pagiging mayaman ay ang laborforce na ang majority ay kabataan?

Alam mo nang ang sakit ng ating lipunan ay kurapsyon, ano naman ang magiging impact nito kapag babawasan ang tao? wala! may natanggal bang kurap? wala! papaano ba mawawala ang kurapsyon sa ating bansa? PARUSAHAN ang mga may sala. Bkit kinakailangan pa ng RH Bill kung hindi naman nito sinusugpo ang kahirapan dahil sa kurapsyon? Dahil ba sa populasyon kaya tayo naghihirap? malabo yan.

ngayon patungkol sa tanong mo Kay Joseph Perez, hindi ko masyadong napansin yong pinag-usapan ninyo kaya di ko alam ang mga pinagsasabi mo. pero dahil namimilit kang sagutin ito. Pagbibigyan kita batay na rin sa nasusulat sa Bibliya. Sa pagkakaalam ko nabanggit mo ang Markos 13. Himay himayin natin ang sinasabi sa bersikulong iyan. ang sabi sa bersikulo 17 ay ito: And Jesus answering, said to them: Render therefore to Caesar the things that are Caesar’s and to God the things that are God’s. And they marvelled at him.

ano ba ang ibig sabihin ng bersikulong iyan? ibig sabihin lamang na ang kayamanan ni Caeasr ay iba sa kayamanan ng Simbahan, dahil ang kayamanan ng Simbahan ay ang kabutihan at pagsunod ng tao sa Diyos at ang kayamanan ni Caesar ay ang perang nakukuha niya mula sa tao. Ngayon, kanino o saan ba nakakakuha ng pera ang mga nasa puder ni Caesar? sa ibang tao ba? o sa taumbayan pa rin? ano aong obvious na sagot diyan?

ngayon, basahin mo ang Luke 16:13

No servant can serve two masters, for either he will hate the one and love the other, or he will be devoted to the one and despise the other. You cannot serve God and money.”

matanong ko lang sa iyo, bakit nasabi ito ni Kristo kung bakit pipilitin mo ang iyong bersiyon ng Separation of Church of State?

ano ba ang sabi ng konstitusyon patungkol sa Church and State: Article II Sec. 13 ng 1986 Constitution ito ang sinabi: “The State acknowledges the need for the Church’s assistance as it pursue its mission in protecting and shaping the destiny of its inhabitants particularly in the molding of the youth when it recognizes the vital role of the youth in nation building and shall promote and protect their physical, MORAL, SPIRITUAL well being”. [Church and State, must be United, not Separated, Atty. Miguel Abas]

Kayo na ang bahalang maghusga mga kapatid kung sino ang self-righteous sa aming dalawa. Kung sino ang nagmamagaling sa Bibliya at kung sino ang walang concern sa ating lipunan. marami sa mga PRO RH ang sadyang mahilig magdaldal pero wala namang nagawa para sa ikabubuti ng ating lipunan. kaawaan sana sila ng Diyos na mahabagin at patawarin sila sa kanilang pagkakasala.[Luke 23:34]

  1. #1 by tere on October 25, 2012 - 2:20 pm

    Clap!clap!clap!tumpak na tumpak ka bro. Aran.alam kong alam yan ng karamihan lalo na mga pro rh. mahirap lang talaga ipaitindi yun sa ayaw umitindi,mga taong sana totoo nalang na mga bulag, pipi at bingi!

    • #2 by flewen on October 25, 2012 - 3:09 pm

      salamat kapatid na tere. matigas lang talaga ang puso nila patungkol sa katotohanang kayang depensahan ang ating paniniwala sa Biblikal at Legal na mga ebidensiya.

  2. #3 by Juan Carlo Saliba on October 25, 2012 - 3:12 pm

    Talagang di papasa sa Constitution ang RH Bill na yan. But we have other matters to discuss kagaya na lang ng 2013 Senatorial Elections and the Sin Tax Bill

    • #4 by flewen on October 25, 2012 - 3:33 pm

      exactly, maraming explicit statement ang ating konstitusyon na nagbibigay ng karapatan para sa simbahan na gawing mga mabubuting tao ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mananampalataya ng tamang asal para sa ikakaganda ng ating lipunan. ANg problema, hindi nila ito naintindihan dahil wala silang pakialam nito

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: