Sa Kambas ng Lipunan – On the Canvas of Society of Joey Velasco


-Stephen Manalo

Maraming mga multo gamit ang PRO RH FANPAGE ang gumagamit ng ganitong video para ipamukha na kinakailangan diumano ang RH Bill base sa independent documentary ni Joey Velasco. Aba! ano daw? dahil maganda ang video, ikukumpara na sa RH Bill?

Ito ang ginawa ng Pro RH Admin. may nagawa na ba daw sila?ahihihi

sige, kahit sinong matalino, malalaman ninyo ang ibig sabihin ng documentary na ginawa niya. Panoorin ng maigi:

sabi ng isang blogger: [eto ang link]

“What is important , he had made his point and had delivered his message clearly and powerful. I just can’t imagine, that such video campaign should come from an ordinary painter and not to our elected politicians who had so many promises for our country.”

[note: alam ng nagkokomento sa video na yan na ang mga PULITIKO, MAY MARAMING PANGAKO, ang tanong, natutupad ba?]

ayon pa sa mga nagkomento sa yahooanswers:

“…Apparently, the Last Supper picture had attracted so much attention, as well the objects of the painting so that NGOs built a score of houses for the kids, real concrete houses, which they now own.”

Hindi ba ninyo nahahalata na ang video ay hindi nag-poportray patungkol sa mga RH Bill? ano ba ang ibig sabihin ni Joey Velasco diyan? Ipinakita lamang niya na ang mga senaryo na napanood ninyo ay anino ng kanyang nakaraan. Dahil sa kanyang pagkakamali bilang isang tao at mananampalataya ni Kristo, siya mismo sa sarili niya ang naranasan ang kanser na kanyang dinaranas na kahalintulad sa kanser ng ating lipunan na tinatawag nating KAHIRAPAN!

Ang kahirapan ay hindi magkakaroon ng daan sa ating lipunan kung hindi tayo naging pasaway at gahaman sa ating sarili. Marami sa ating mga Pulitiko ang sadyang halimbawa sa umabuso sa ating bayan kaya nararanasan natin ngayon ang kahirapan. matagal ko nang alam yan dahil iyan ang pilit na itinatatak sa akin ng mga kasamahan ko sa aming student publication noong ako ay nasa kolehiyo pa. Natutunan ko rin mula sa College Editors Guild of the Philippines na ang KURAPSYON ang rason kung bakit tayo naghihirap. Pero ipinagtataka ko lang, bakit nagbago ang mentalidad ng mga taong gaya ng nasa mga makakaliwa at mga MAKIBAKA? Bakit ngayon isinusulong at pabor sila sa RH Bill kung hindi naman ito nagpapabawas sa ating kahirapan at kurapsyon ng ating lipunan?

Napag-alaman ko rin na si Ginoong Joey Velasco ay namayapa na noong 2010. [pakiclick]

Kung sino man ang sadyang napakawalang-hiya na naglalagay ng video na ito sa PRO RH page ay sadyang walang respeto sa ginawa ng magaling na pintor. Huwag ninyong baliktarin ang kuwento na nasa loob ng napakagandang dokyu na iyan. Kung ikaw bilang isang moderator ng Pro RH, dapat nag-isip isip ka muna bago mo ipinoste ito. Pinapahiya mo lang ang sarili mo. Kung buhay lamang si Ginoong Velasco, matagal ka na niyang pinagtatawanan kung bakit minamali mo ang kuwento. Bastos at walang hiya ka sa pambabaliktad. Mahiya ka sa sarili mo.

Ngayon, dahil napag-prangkahan na kita, ito ang isa sa huling bidyo niya sa KERYGMA [alam nating anti-RH ang grupong ito]

at sa ABS-CBN Probe:

Makikita mo ba sa kanyang mga pahayag na dahil sa populasyon, kaya tayo naghihirap?

Ito ang pinakapunto kung bakit nagawa niya ang painting:

*MATERYALISMO

*KAWALAN NG PANANAMPALATAYA

* KAWALAN NG PAG-ASA

Nasaan ang RH Bill diyan? Tingnan natin ang apog mo.

  1. #1 by Joseph Perez on October 27, 2012 - 5:50 pm

    LOL hahahahaha ang akala nila sa kanila na yun hahahahaha ibig palang sabihin ay istorya nang isang tao na dahil sa pagpupursigi nya sa buhay ay naiahon nya ang sarili nya hehehehehe🙂

    • #2 by flewen on October 27, 2012 - 5:55 pm

      hahaha..ako nga rin eh natawa, bakit kaya nang-aangkin sila ng di kanila? lolz

  2. #3 by Martin AzMarie on March 8, 2013 - 9:03 am

    ulol. waley utak ka

    • #4 by flewen on June 22, 2013 - 9:27 am

      baka ikaw ang ulol…paano mo nasabi yan kung wala ka namang basehan para atakehin ako ng ganyan?

  3. #5 by reyn rance on August 15, 2014 - 2:08 am

    dito pa kayo nag away. nakakahiya kayo . hindi kayo nakatulong, parang di nyo naunawaan mga napanuod nyo.. tila yung mga ugali nyo , isa sa dapat gamutin… kanser din ata yan ng lipunan ee?

    • #6 by flewen on September 15, 2014 - 10:58 am

      kaibigan, ako po ang may-ari ng blog na ito at malaya kang sabihin kung anuman ang iyong obserbasyon sa artikulong ipinoste ko. Marapat na dapat itanong mo yan sa mga Pro RH kung bakit garapalan ang kanilang panlilinlang sa mga Pilipino.

  4. #7 by flewen on October 28, 2012 - 8:15 pm

    thanks for the comment.

  1. Amedar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: